TUCP, nakikiusap kay Mayor Isko na huwag patagalin ang closure ban ng Isetann

Nakikiusap ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP kay Manila Mayor Isko Moreno na huwag patagalin ang closure ban na ipinataw nito sa Isetann Recto.

Ayon kay TUCP spokesman Alan Tanjusay, nirerespeto ng kanilang grupo ang desisyon ni Mayor Isko na ipasara ang Isetann dahil sa seryosong paglabag tulad ng kawalan ng kaukulang permit.

Pero sinabi niTanjusay na dapat balansehin din ni Moreno ang interes at trabahong mawawala sa mga manggagawa ng Isetann, gaya ng mga sales lady o sales man.


Naniniwala si Tanjusay na dapat na parusahan ang Isetann sa violations nito, ngunit hindi dapat parusahan ang mga trabahador na mawawalan ng kita para sa kanilang mga pamilya.

Umaasa naman ang TUCP sa may-ari ng Isetann at mga may-ari ng mga negosyo sa loob ng mall, na gagawa sila ng hakbang para maitama ang lahat at makabalik na sa normal na operasyon ang negosyo.

Igiinit pa ni Tanjusay na alam ng lahat na isang sikat na mall ang Isetann lalo na para sa mga taga-Maynila, mga estudyante at maliliit na mga negosyante dahil sa accessible ang lokasyon nito at malapit sa University Belt.

Facebook Comments