TUCP, nanawagan sa pamahalaan na itaas ang sahod ng mga manggagawa

Umaapela ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamahalaan na mabigay ng subsidies sa mga manggagawa lalo na at patuloy pa rin nararanasan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang patuloy na bumibilis ang inflation sa nakalipas na tatlong buwan ng 2020, na nasa 3.5% nitong Disyembre.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, mahalaga ang cash subsidy mula sa gobyerno dahil makatutulong ito na mapunan ang kanilang pangangailangan.


Sabi naman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of Local Employment (BLE) Director Dominique Rubia-Tutay, nakapagbigay na sila ng ₱5,000 sa higit milyong manggagawa sa formal sector sa ilalim ng Bayanihan 2.

Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ay isang community-based package na nagbibigay ng emergency employment sa displaced, underemployed at seasonal workers.

Facebook Comments