TUCP, umaasa na dedesisyunan na ni Pangulong Duterte ang tungkol sa usapin ng kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Umaasa ang Trade Union Congress of the Philippines na dedesisyunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte pabor sa mga manggagawa tungkol sa usapin ng kontraktwalisasyon ngayon araw ng Kalayaan.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay nasa kamay na ni pangulong Duterte ang Contractualization Draft ang Executive Order ng pangulo na nagpapatigil sa ang kontraktwalisasyon sa bansa.

Paliwanag ni Tanjusay naipasa na nila noon pang Mayo 9 ang Darft hinggil sa Contractualization at naibigay na nila sa pangulo ang mga nilalaman ng naturang Draft at tiwala sila na ngayong araw ng Kasarinlan ay magbibigay na ng pahayag ang pangulo hinggil dito.


Malaki ang tiwala ng TUCP na papabor sa mga manggagawa ang desisyon ng pangulo sa oras na mabasa nito ang nilalaman ng Draft na kanilang isinumite sa Malakanyang.

DZXL558

Facebook Comments