Umapela ang Trade Union Congress of the Philippine (TUCP) sa pamahalaan na magbigay ng ₱11,000 monthly wage subsidy sa “new poor” workers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza, ang financial aid ay para sa mga milyon-milyong manggagawa na nawalan ng trabaho at mga napilitan sa ‘no work, no pay’ arrangement.
Ang iba pa nilang proposals sa gobyerno ay itaas ang infrastructure spending at economic stimulus programs.
Bagama’t mayroong financial assistance program para sa mga mahihirap at Overseas Filipino Workers (OFWs), malinaw na kulang ang suporta sa formal sector workers.
Iginiit ni Mendoza, na maraming kompanya ang hindi na kanyang i-subsidize ang kanilang manggagawa.
Ang financial aid ay makakatulong para muling maiangat ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagkonsumo ng goods at services.
Nanawagan din ang TUCP sa pamahalaan na bumuo ng job opportunities sa pamamagitan ng pagpursige sa malawakang infrastructure projects, kabilang ang national railways system, regional agri-industrial hubs, at farm-to-market roads.