Tugon sa ipinadalang notice to terminate contract ng DOTr, inihahanda na ng BURI

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) ang sagot nito sa ipinadalang “notice to terminate contract” ng Department of Transportation o DOTr bilang maintenance provider ng MRT-3.

Kabilang sa naging dahilan ng DOTr sa pagkansela sa kanilang kontrata ang hindi umano maayos na trabaho nito at kabiguang maglatag ng procurement plan para sa pagbili ng mga spare part ng mga bagon at riles.

Pero giit ng legal counsel at tagapagsalita ng buri na si Charles Mercado – hindi sila ang dapat na sisihin sa lahat ng problema sa MRT.


Aniya, matagal nang problema ng MRT ang mga aberya sa tren kahit noong mga panahong hindi pa sila ang maintenance provider nito.

Itinanggi rin ni Mercado ang akusasyon ng DOTr na hindi sila bumibili ng spare parts para sa MRT.

Katunayan, sila pa umano ang nahihirapan dahil hindi naman sila nababayaran sa mga binibili nilang spare parts.

May pitong araw ang BURI para ipaliwanag kung bakit hindi dapat i-terminate ang kontrata nito.

Facebook Comments