Cauayan City – Nagdeklara ng Red Alert Status ang pamahalaang lungsod ng Tuguegarao dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dulot ng Shear Line at Intertropical Convergence Zone
Ang hakbang na ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Buntun Monitoring Post, na maituturing na mahalagang indikasyon ng posibleng pagbaha sa lugar.
Ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), kasama ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Councils (BDRRMCs) at iba pang emergency response units, ay naka-standby na upang tugunan ang anumang insidente.
Pinapaalalahanan naman ang mga residente na manatiling kalmado, mag-abang ng updates, at maghanda para sa kanilang kaligtasan habang binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon.