Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Tuguegarao.
Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of November 10, 2020, tatlumpu’t isa (31) ang naitalang bagong kaso kung saan pkaramihan sa mga tinamaan ay mga healthworkers ng isang pribadong ospital at nakaranas ng sintomas ng COVID-19 o symptomatic.
Labing walo (18) sa mga ito ay mga Nurse at Nursing Aide na kinilalang sina:
1. CV 3041, 32 anyos na lalaki, nurse, residente ng Barangay Annafunan East. Siya ay nakaranas ng lagnat, sipon, at pananakit ng katawan at nakasalamuha si CV 2980.
2. CV 3042, 32 anyos na babae, nurse, residente ng Barangay Centro 5, at nakaranas ng pananakit ng katawan, sipon, at pananakit ng lalamunan. Ito ay nahawa sa kaniyang katrabaho na si CV 3044.
3. CV 3043, 30 anyos na babae, nurse, residente ng Barangay San Gabriel ay nakaranas ng lagnat, sipon at body malaise. Nahawa rin kay CV 3044.
4. CV 3045, 22 anyos na babae, nurse, residente ng Barangay Centro 5, nakaranas ng panghihina ng katawan, ubo, sipon, at lagnat na kapwa nahawa rin kay CV 3044.
5. CV 3046, 39 anoys na babae, nurse, residente ng Barangay Caritan Centro, ay nagkaroon ng lagnat at sipon sa pagkakahawa rin nito kay CV 3044.
6. CV 3047, 29 anyos na babae, nurse, residente ng Barangay Ugac Norte, nakaranas din ng pag sipon.
7. CV 3048, 22 anyos na babae, nurse, residente ng Barangay Centro 5, nakaranas ng sakit ng ulo dahil sa pagkakahawa nito kay CV 2980.
8. CV 3049, 33 anyos na lalaki, axillary nurse, residente ng Barangay Ugac Sur, nakaranas din ng pananakit ng ulo matapos mahawa kay CV 3044 at CV 3052.
9. CV 3050, 29 anyos na lalaki, nurse, residente ng Barangay Ugac Norte, nakaranas ng lagnat at body malaise dahil nakasalamuha nito si CV 2980. 10. CV 3051, 24 anyos, axillary nurse, residente ng Barangay Caritan Sur. Siya ay asymptomatic ngunit nagkaroon ng pagkakasalamuha kay CV 2968.
11. CV 3052, 30 anyos na lalaki, residente ng Barangay Carig Sur, nakaranas ng pananakit ng katawan, sipon at ubo na nahaawan din ni CV 3044.
12. CV 3053, OR nurse, residente ng Brangay Annafunan East, nakaranas ng pananakit ng dibdib at pagsusuka dahil nahawa ito kay CV 2980 at CV 3052.
13. CV 3054, nurse, residente ng Barangay Pengue-Ruyu, nakaranas ng panghihina ng katawan at lagnat. ito ay nahawa kay CV 2980.
14. CV 3083, 33 anyos na babae, residente ng Barangay Ugac Sur, nurse, asymptomatic ngunit dati nang may sakit na asthma. Nahawa ito kay CV 3046.
15. CV 3084, 32 anyos na lalake, nurse, residente ng Barangay Pengue-Ruyu, nakaranas ng pananakit ng lalamunan at ubo. Nahawa naman ito kay CV 2968.
16. CV 3085, 46 anyos na babae, residente ng barangay Linao West, nursing aide, asymptomatic.
17. CV 3086, 27 anyos na babae, nurse, residente ng Barangay San Gabriel, asymptomatic ngunit nahawa kay CV 2968.
18. CV 3087, 32 anyos na babae, residente ng Barangay Pallua Norte, nurse, nakaranas ng lagnat, sipon, at kawalan ng panlasa at pang amoy. Nahawa rin ito kay CV 2980.
Ang dalawang (2) Medical Technologist naman na sina CV 3040, 23 anyos na lalaki, residente ng Barangay Leonarda, asymptomatic. At si CV 3078 naman ay 24 anyos na babae, residente ng Barangay Ugac Sur, nakaranas ng ubo at sipon, ay parehong nahawa sa pasyenteng si CV2968.
Habang ang 2 Physician naman na sina CV 3069, 70 anyos na lalaki, residente ng Barangay Caritan Centro ay hindi tiyak kung saan nito nakuha ang sakit ngunit siya ay nananatiling asymptomatic. Si CV 3070 naman ay 48 anyos na lalaki, residente ng Barangay Centro 5 ay nahawa kay CV 2968 at asymptomatic din.
Isang (1) sanggol din ang tinamaan ng sakit at ang nai-ulat na pinaka batang pasyente na kinilalang si CV 3075, lalaki, ang pamilya nito ay nakatira sa Barangay Atuluyan Sur. Isang araw pa lamang nang ito ay ipinanganak at kasalukuyang naka-admit sa isang pribadong hospital. Hindi rin tiyak kung paano ito nahawaan ng sakit.
Nahawaan naman ni CV 2794 ang kaniyang mga biyenan na sina CV 3055, 35 anyos na babae at si CV 3059, 51 anyos na lalaki, mga residente ng Barangay Annafunan East at parehong asymptomatic.
Nahawaan naman ni CV 2889 ang kaniyang mga kapitbahay at kamag-anak na sina CV 3060, 43 anyos na babae, asymptomatic. Kaniyang tiyuhin na si CV 3068, 70 anyos na lalaki, asymptomatic. At ang kaniyang pinsan na si CV 3064, 33 anyos na lalaki, Security Guard ng isang mall sa lungsod, asymptomatic. Sila ay mga residente ng Barangay Cataggaman Nuevo.
3 magkakatrabaho naman sa isang pribadong kompanya ang nahawa sakilang katrabaho na si CV 2974. Ito ay kinilalang sina CV 3063, 27 anyos na lalaki, residente ng dangarang street, zone 6, at si CV 3065, 32 anyos na lalaki, residente ng Barangay Carig Sur, ay asymptomatic at nagttrabaho bilang mga Installer ng Cable.
Habang si CV 3067 naman ay isang 26 anyos na babae, residente ng Barangay Ugac Norte, ay isang sales representative ng nasabing kompanya. Sila ay pawang mga asymptomatic.
Nagpapatuloy naman sa kasalukuyan ang ginagawang contact tracing para sa mga dumagdag na nagpositibo.