Tuguegarao City, Sasailalim pa ng 7-Day Lockdown

Cauayan City, Isabela- Extended pa ng pitong (7) araw ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod ng Tuguegarao na nagsimula ngayong araw ng Lunes, September 06, 2021 at magtatagal hanggang September 12, 2021.

Batay ito sa napag-desisyunan ng Regional Inter Agency Task Force (RIATF) kagabi kung saan ay pitong araw lang ang kanilang inaprubahan kasama ng rekomendasyon ng pagpapatupad ng “granular lockdown” sa mga apektadong barangay.

Una nang inirekomenda ni Mayor Jefferson Soriano kay Cagayan Governor Manuel Mamba na ibaba na sa MECQ ang klasipikasyon ng quarantine status ng lungsod subalit hindi ito inayunan ng Gobernador.


Kaugnay nito, iminungkahi na lamang sa RIATF na kailangan pang palawigin ng 14-days ang ECQ dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa Lungsod kasabay ng pagdami ng mga nasasawi sa covid.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,113 aktibong kaso ng Covid-19 ang Tuguegarao City kung saan 341 sa mga ito ang naka-home quarantine.

Facebook Comments