Tuguegarao City, Target na masungkit ang Guinness World Records

79

*Cauayan City, Isabela*-Plano ng Lungsod ng Tuguegarao na masungkit ang Guinness World Records na may pinakamaraming nagsayaw na may hawak na sulo o torch sa darating na 2020 Afi festival.

Ayon kay Edmund Pancha, Public Information Officer ng Lungsod ng Tuguegarao, target ni Mayor Jefferson Soriano na malampasan ng siyudad ang kasalukuyang record ng Indonesia na pinakamaraming nagsayaw na may hawak na torch na tinatayang nasa kabuuang 3,777 na katao.


Aniya, abala ang lungsod sa online application para sa planong masungkit ang record at sisikapin ng siyudad ang 4,200 na mananayaw sa nasabing pagtatanghal.

Abala ngayon ang siyudad dahil tiyak nila na malaki ang tiyansa na masungkit ng Lungsod ang guiness world record dahil sa mahigpit nilang paghahanda.
Photocourtesy: GuinnessWorldrecords

Facebook Comments