Tuguegarao City vs. Isabela, Dikit ang Laban sa Elementary Basketball League!

Tuguegarao City – Dikit ang naging laban ng elementary basketball league sa tapatang Tuguegarao City vs. Isabela kanina.

Itinakda ang magkabilang panig na maglaban sa pangalawang set ng elementary basketball.

Isang puntos lang ang naging lamang ng Tuguegarao City kontra Isabela na may sa iskor na 54-53.


Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa laro, hindi nagpahuli ang Isabela sa pagpapakitang gilas upang sabayan ang kanilang mga katunggali.

Ipinakita ng team ang kanilang pagkakaisa at disiplina sa paglalaro upang madikitan ang iskor ng kanilang kalaban.

Dahil sa nangyaring dikit na laban, lalo namang naging inspirado ang nasabing koponan na bumawi sa mga susunod na mga laro upang makamit ang inaasam-asam na pagiging kampeyon sa naturang palaro.

Facebook Comments