Manila, Philippines – Ihihirit ng Department of Foreign Affairs sa Palasyo ng Malacañang na payagan silang mag trabaho ng hanggang sa 16 na oras kada araw.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano mas nais nilang magtrabaho ng 16 na oras sa ngayon para matugunan ang malaking demand ng mga naga-apply at nagre-renew ng mga pasaporte.
Sinabi ni Cayetano na sa pamamagitan ng extended pass porting hours ay maa-accommodate ang dagsang naga-apply online para sa passport application.
Inihalintulad pa nito ang naging eksena nuong isang linggo sa Manila City Hall kung saan dinumog ito ng nga aplikante na gustong mag apply at magrenew ng passport at ang iba ay galing pa sa mga lalawigan.
Paliwanag ng opisyal, nais nilang serbisyuhan ang taumbayan base narin sa mandato sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.