Aklan, Philippines – Natukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 16 na illegal pipelines sa Boracay.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu – dumadaan sa mga pipeline ang mga dumi mula sa mga establisyimento at dumidiresto sa dagat.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit hindi ligtas ang dagat sa paglalangoy.
Iimbestigahan ng DENR ang mga may ilegal na pipeline at ang Pollution Adjudication Board ang magdedesiyon sa karampatang parusa.
Facebook Comments