TUKOY NA | La Union PNP, may lead na kaso ng pagpatay kay dating La Union 2nd district Rep. Eufranio Eriguel

La Union – May lead na ang pulisya kaugnay sa kaso ng pagpatay kay dating La Union 2nd district Rep. Eufranio Eriguel.

Gayunman, tumanggi ang La Union PNP na magbigay ng detalye tungkol dito.

Nauna nang sinabi ng pulisya na pulitika ang isa sa motibong tinitingnan nila sa krimen.


Matatandaang namatay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang gunmen ang dating Kongresista at dalawa nitong bodyguard habang nagsasagawa siya ng talumpati sa isang miting de avance sa Barangay Capas.

Taong 2016 nang pagtangkaan din ang buhay ni Eriguel.

Facebook Comments