VEHICULAR ACCIDENT | 2 patay matapos magsalpukan ang 2 sasakyan sa NLEX

Manila, Philippines – Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan sa nangyaring vehicular accident sa North Luzon Expressway (NLEX) kaninang umaga.

Sa inisyal na report –binabaybay ng passenger van ang southbound lane ng NLEX sa bahagi ng Lawang Bato nang bigla itong sumalpok sa likuran ng 14-wheeler truck.

Agad namang isinugod sa Valenzuela General Hospital ang mga biktima kabilang ang driver ng van pero dalawa sa kanila ang idineklarang dead-on-arrival.


Nasa kustodiya na ng Valenzuela Police ang truck driver habang patuloy ang imbestigasyon sa tunay na pangyayari sa aksidente.

Facebook Comments