Caloocan – Natukoy na ng San Roque Cathedral sa Caloocan City ang sanhi ng pagkasugat, pangangati at pagkalapnos ng balat ng nilagyan ng abo noong ash Wednesday.
Ayon kay Fr. Jeronimo Cruz, rector ng San Roque Parish, tumaas ang acid level dahil sa labis na pagkasunog ng palaspas na ginagawang abo.
Nilinaw naman ni Cruz na wala silang nakitang pananabotahe sa pangyayari at handa nilang sagutin ang pagpapagamot ng mga naapektuhan ng kontaminadong abo.
Tiniyak naman ni Cruz na ipapaalam nila sa ibang parokya ang resulta ng kanilang research para hindi na maulit ang nasabing insidente.
Facebook Comments