TUKOY NA | Mga nambugbog sa inmate na si Genesis Argoncillo, tinukoy na ng QCPD

Manila, Philippines – Tinukoy na ng Quezon City Police District ang dalawang inmates na nambugbog kay Genesis Argoncillo alyas Tisoy na kalaunan ay nasawi habang nasa Costudy ng Novaliches Police station 4.

Ayon kay QCPD District Director Police Chief Supt Joselito Esquivel Jr, na inquest na ng QCPD Criminal Investigation Division Unit ang mga akusado na sina Richard Bautista at Justin Mercado at tatlo pang testigo.

Gayunman, tuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso dahil naniniwala ang pulisya na may iba pang indibidwal ang sangkot sa pambubugbog kay Argoncillo.


Hindi pa rin ligtas sa imbestigasyon ng ilang pulis na nakatalaga sa Station 4.

Base sa autopsy report, namatay si Argoncillo dahil sa blood trauma sa ulo,sa leeg at dibdib.

Base sa testimonya ng witness nagwawala daw sa loob ng piitan si Argoncillo kaya ginulpi ng mga preso noong gabi ng Hunyo 19.

Pero hindi naman pinaniniwalaan ng pamilya ni Argoncillo na mga preso lang ang gumulpi sa biktima na humarap din sa media sa camp Karingal.

Kaya tiniyak sa kanila ni Esquivel na magiging transparent ang kanilang imbestigasyon at walang sisinuhin kahit may pulis pa ang involved dito.

Sa Panig ng pulisya may lima nang pnp personnel ang sinibak sa Novaliches Police station 4 kabilang ang station commander na si Police Chief Supt Carlito Grijaldo.

Facebook Comments