Tulak, nanlaban – patay sa buy-bust operation sa Caloocan City

Caloocan City – Nanlaban ang isang tulak ng droga sa buy-bust operation na ikinasa kanina sa Caloocan City.

Dahil dito, agad na binawian ang suspek na si Jun Facanza na kilalang tulak ng droga sa lugar.

Ayon sa mga awtoridad, matapos bentahan ng suspek ng shabu ang poseur-buyer ay nakaramdam ito na pulis ang katransaksiyon kaya’t bumunot ito ng baril at nagpaputok.


Agad na gumanti ang mga pulis at napuruhan ang suspek, dahilan ng pagkasawi nito.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, apat na sachet ng hinihinalang shabu at limang sachet ng marijuana.

Facebook Comments