Tulak ng Droga muling naaresto ng PDEA ARMM

Arestado ng PDEA ARMM ang isang Benny Kaunotan Oranan alias Benny Fatima Kaunotan , sa ikinasang operasyon sa Jose Lim Brgy Poblacion Cotabato City.
Nakumpiska mula sa pag iingat nito ang apat na piraso ng shabu na tumitimbang ng 1.10 grams at 500 peso bill na marked money.
Sinasabing naaresto na ito noong December 2008 sa kahalintulad na kaso ngunit nakacash bond at dahil bigo itong magpakita sa korte ay agad itong binigyang arrest warrant.

Kasalukuyang muling nanaharap sa kasong paglabag sa section 5 ng RA 9165 o pagbebenta ng droga at section 11 , pag iingat ng ipinagbabawal na gamot ang nahuling si Benny.

Facebook Comments