Tulak ng Droga, Patay sa Buy-bust Operation ng Pulisya

156

Cauayan City, Isabela – Humantong sa palitan ng putok ng baril na sanhi ng kamatayan ng suspek sa isang drug buy-bust operation sa Alicia, Isabela kahapon, October 28, 2020.

Ayon kay PMAJ. Ardee Tion, hepe ng PNP Alicia, kinilala ang napatay na suspek na si Joseph Cordova at ang kasamahan nitong si John Carlo Gatan kapwa residente ng Cabatuan, Isabela.


Dagdag pa ng hepe, si Cordova ay dati nang naaresto sa Tinglayan, Kalinga sa kaparehong kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Paliwanag pa ni Tion, umakotong poseur buyer ang isang pulis asset sa mga suspek noong Martes, October, 27 hanggang sa magpositibo sa ipinagbabawal na gamot ang kanilang nabili sa mga suspek batay narin sa lab test na isinagawa sa pakikipagtulungan ng PDEA.

Kahapon, October 28, nagkasa ng drug buy -bust operation ang mga tauhan ng pulsiya sa San Antonino, Alicia ngunit nang makatunog na mga pulis ang kanilang katransaksyon ay agad na binunot ni Cordova ang kalibre 45 baril at agad na pinutukan ang mga pulis.

Masuwerte namang walang tinamaan sa hanay ng pulisya subalit napuruhan ang suspek na sanhi ng kanyang pagkamatay.




Narekober din sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia at isang (1) container na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Matagal nang minamanmanan ang mga suspek na sinasabing dati nang nagbabagsak ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Alicia.

Sa ngayon ay nasa Cabatuan, Isabela na ang mga labi ni Cordova samantalang nasa pag iingat ng PNP Alicia ang kasama nitong suspek na si John Carlo Gatan.

Facebook Comments