Baby Baste, miss na ang mga kasamahan sa noontime show

37

Miss na miss na ng cute na childstar na si Baeby Baste ang kanyang mga ate, kuya, tito at tita sa kinabibilangan nitong noontime show.

Ito ay matapos umuwi si Baste sa kanyang hometown sa General Santos dahil sa pandemic.


Sa kabila ng pag-e-enjoy nito sa kanilang probinsya kasama ang kanyang magulang at kapatid, inamin nitong namimiss na niya ang kanyang mga katrabaho.

Nagpe-pray na lamang si Baste para mawala na ang pandemic para makabalik na ulit sa normal ang lahat.

Sa ngayon, nililibang na lamang niya ang kanyang sarili sa pagbe-bake, online studies at pagsu-swimming kasama ang kanyang mommy.

Facebook Comments