Tulak ng Droga sa Naguilian Isabela na Nahuli sa Drug Buy Bust, Nasamsaman ng Granada!

Naguilian, Isabela – Nasamsaman ng granada ang isang tulak ng droga matapos ang isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Surcoc, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Novelito Laguinte Quitola, apatnapung taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Matapos ang operasyon ng droga ay narekober kay Quitola ang isang pakete ng shabu, limang daang piso bilang marked money, isang cellphone, isang motorsiklo at isang piraso ng granada.


Dinala agad sa himpilan ng PNP Naguilian ang suspek maging ang mga nakumpiskang mga bagay para sa karagdagang imbestigasyon at dokumentasyon.

Samantala ang hinihinalang shabu ay dadalhin naman sa crime laboratory para sa kaukulang eksaminasyon nito.

Facebook Comments