Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan ngayong araw ang bagong gawa na Pungpongan bridge sa bayan ng Jones, Isabela.
Mismong si Department of Agrarian Reform Secretary Atty. John Castriciones ang nanguna sa nasabing aktibidad.
Bahagi ito ng proyekto sa ilalim ng Tulay ng Pangulo Program ng ahensya na layong mabigyan ng tulay ang mga Agrarian Reform Communities sa bansa.
Samantala, nag-ikot rin sa iba pang lugar sa Isabela ang kalihim para pangunahan ang Groundbreaking ceremony para sa pagpapatayo ng ilang bahay sa mga benepisyaryo ng ahensya.
Tinatayang nasa 100 kabahayan ang ipapatayo sa bayan ng Naguilian, Isabela.
Bukod pa dito, nagtungo rin ang opisyal sa bayan ng Delfin Albano para sa turn-over at acceptance ng tulay ng Pangulo.
Nagbigay din ng CLOA, tricycles at delivery vans sa iba’t ibang ARCs sa lalawigan si Sec. Castriciones.