Tulay sa kahabaan ng Manila North Road papuntang La Union, nakumpuni na ng DPWH

Inihayag ng pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na maluwag at ligtas ng makadadaan ang mga sasakyan kabilang ang delivery trucks na tumatahak sa kahabaan ng Manila North Road papuntang Ilocos Region makaraang makumpuni ang 60-meter Carlatan Bridge sa San Fernando City, La Union.

Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, tatlong buwan ng kinukumpuni ng DPWH La Union First District Engineering Office ang tulay na tumatahak sa National Highway sa Barangay Carlatan ng naturang lalawigan.

Paliwanag ng kalihim ang rehabilitasyon ng Carlatan Bridge ay upang mabawasan ang pangamba ng mga motoristang dumadaan dahil sa matagal ng panahon na hindi ginagawa ang naturang tulay kaya’t kinakailangang kumpunihin para na rin sa kaligtasan at kaayusan ng mga residente at motorista.


Ang pagsasaayos sa naturang tulay ay pinondohan ng P29.4-M.

Facebook Comments