Aabot sa P120 milyong halaga ng ayuda ang inilabas ng pamahalaan para sa mga pamilyang apektado ng baha dahil sa pag-ulan dulot ng habagat.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ibinigay ito sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), mga Local Government Units (LGUs) at Non-Government Organizations (NGOs) mula sa Regions I, III, Calabarzon, MIMAROPA, National Capital Region, at Cordillera Administrative Region.
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa 961 lugar na lumubog sa baha nasa 762 na rito ang humupa na.
Inabisuhan naman ng palasyo ang mga residente na manatiling alerto at manatili sa mga evacuation centers.
Tiniyak rin ni Roque na nakikipag-ugnayan na ang lahat ng mga concerned agencies para masagip at mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng baha.