SISIGURADUHIN | NFA, tiniyak ang sapat na supply ng bigas para sa mga apektado ng hanging habagat

60

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Food Authority o NFA na may sapat na supply ng bigas para sa mga naapektuhan ng hagabat.

Ito ay sa kabila ng kakapusan ng supply ng NFA rice sa merkado.

Ayon kay NFA spokesperson Rex Estopez, hindi nila binawasan ang supply ng NFA rice na inilaan sa mga relief operation.

Aniya, bahagi ito ng obligasyon ng gobyerno at hindi nila maaaring asahan ang mga pribadong sektor.

Facebook Comments