TULONG | Buong suporta, tiniyak ng pamahalaan sa mga dadaanan ng bagyo

Lahat ng Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Northern Luzon ang regular nang nagpapaabot sa sitwasyon sa lawak ng epekto ng bagyong Ompong sa kanilang lugar.

Sa kanyang pagdalo sa ika-14 na taunang konbensyon ng Philippine College of Addiction Medicine, sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.

Bilang tugon, tiniyak din ni Go ang buong suporta at ayuda ng pamahalaan at nakahanda na sa anumang pangangailangan ng mga LGUs.


Pero ngayon pa lang humihingi na ng pasensiya at pang-uunawa si Go dahil kapag namerwisyo na ang bagyo hindi kaagad sabay-sabay na maaasikaso ang mga residente.

Asahan na rin kasi na pati ang mga tutulong na ahensiya ay maaapektuhan din ng perwisyong dala ng kalamidad.

Sa halip hiniling nito sa publiko na maging alerto at huwag kalimutang magdasal at umaasa na walang casualty sa pananalasa ni Ompong.

Pinasalamatan nito ang mga doctor na naging bahagi sa programa ng pamahalaan na war on drugs.

Ang mga doctor ay isa sa mga tumutulong sa rehabilitasyon ng mga drug surrenderees sa mga rehabilitation center ng pamahalaan.

Facebook Comments