TULONG | CAB, tiniyak ang mabilis na ayuda sa mga pasaherong stranded sa NAIA

Manila, Philippines – Matapos bumaha ng reklamo, pinulong ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga kinatawan ng iba’t-ibang mga airline companies kasunod ng mga reklamo sa naganap na runway closure sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang linggo.

Ayon kay CAB OIC Wyrlo Samodio, isa sa mga pinag-usapan ay ang posibleng amyenda sa air passengers’ bill of rights.

Aniya, hindi maitatanggi na may ilang mga kumpanya ng eroplano ang nagpabaya sa pagbibigay ng ayuda sa kanilang mga pasahero.


Ipinaliwanag ng opisyal na marami sa mga pasaherong stranded ang hindi nabigyan ng mabilis na ayuda.

May mga reklamo rin silang tinanggap na hindi man lang nakipag-usap sa kanila kaagad ang mga kinatawan ng ilang airline companies kaugnay sa pagsasara ng NAIA runway.

Facebook Comments