TULONG | DA, nangako ng ayuda para makabangon ang mga poultry growers

Manila, Philippines – Nangako si Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga poultry growers sa Isabela at Cagayan na tutulungan sila na agad makabawi sa pagkalugi sa pinsalang idinulot ni bagyong Rosita.

Sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), tiniyak ni Piñol na mapagkakalooban ng full insurance coverage o katumbas ng P90 per head ng manok ang bawat poultry farm bilang proteksyon sa banta ng mga susunod na pagdatal ng kalamamidad at paglaganap ng sakit sa manok sa naturang industriya .

Magiging batayan sa pagkakaloob ng insurance coverage ang mga nakatala sa listahan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture.


Una munang mag-iinspeksyon sa lawak ng damage o pinsala ang municipal agriculturists saka naman ito iva-validate ng PCIC.

Magkakaloob din ang DA ng P3-M loan portfolio para makabili ang mga small independent poultry grower’s ng storage facilities.

Magbubukas din ang Department of Agriculture (DA) ng TienDA Malasakit Stores sa apat na pangunahing lungsod sa Cagayan Valley Region para maibenta ng direkta ng mga magsasaka sa mga pamilihan ang kanilang mga buhay na manok.

Facebook Comments