Manila, Philippines – Iminungkahi ng Commission on Population o POPCOM na dapat ay magbigay pa ng karagdagang programa at serbisyo ang gobyerno sa mga senior citizen.
Ayon sa POPCOM, mas kailangang paigtingin ng gobyerno ang tulong pinansyal at medikal sa mga matatanda.
Sa tala ng ahensiya, mula sa pitong milyon nitong taong 2017, inaasahang aabot sa walong milyon ang bilang ng populasyon ng matatanda ngayong 2018.
Nabatid din na umabot sa 105 million ang bilang ng populasyon sa Pilipinas nitong katatapos na taon.
Facebook Comments