Marawi City – Inaward ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 500 livelihood starter kit certificates sa mga Internally Displaced People sa Marawi sa katatapos pa lamang na Marawi Entrepreneurs’ Forum and Job Fair.
Ayon kay Trade Secretary at head of Task Force Bangon Marawi Sub-Committee on Business and Livelihood Ramon Lopez, nais matiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng gyera sa Marawi.
Ang nasabing starter kits ay nagkakahalaga ng P15,000 at maaaring mamili ng negosyo ang pinagkalooban nito.
Tulag ng 756 certificates na una nang ibinigay kung saan sakop ang sewing, carinderia, sari-sari store, carpentry, electrician, Maranao delicacies, street food starter kits, Kia bongo delivery trucks at mobile rice mills.
Habang ang bagong batch ng starter kits ay mayroon ng tricycles at pedicabs para sa transportasyon sa lugar.
Ang mga Maranao ay entrepreneurs in nature kung kaya at handa ang mga ito sa anumang negosyo na ipagkakaloob ng pamahalaan.