BATI NA | Kris Aquino, inaming nagkaroon sila ng tampuhan ng kaniyang kuya Noy

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Kris Aquino na nagkaroon sila ng tampuhan ng kaniyang kuya na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kaniyang instagram post, makikita na kinakausap ng dating pangulo ang panganay na anak nito na si Josh habang ito ay naka-confine kung saan nakasulat sa caption nito na kasalanan niya ang hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang kuya Noy.

Naayos lamang ang hindi pagkakaunawaan nilang dalawa dahil sa mga anak na sina Josh at Bimby na malapit sa kaniyang kuya.


Hindi naman binanggit ni Kris ang dahilan ng kanilang naging tampuhan pero happy daw ito dahil “all’s well that ends well” na sila ng kaniyang mahal na kuya.

Samantala, nilinaw ni Megastar Sharon Cuneta na wala siyang sama ng loob kay Kris Aquino.

Ito ay dahil maraming netizens ang nagtanong kung bakit hindi binanggit ni ate Shawie si Tetay matapos nitong i-congratulate sina Joshua Garcia at Julia Barreto sa success daw ng movie nila kung saan kasama dito ang Queen of All Media.

Facebook Comments