Inilabas na sa publiko ang listahan ng mga pangalan ng mga kwalipikadong mag-aaral at residente sa mga bayang sakop ng Unang Distrito ng Pangasinan na mga ganap nang iskolar sa ilalim ng Tulong Dunong Scholarship Program ng Commission on Higher Education (CHED).
Ayon sa CHED Regional Office, dumating na ang Notice of Award (NOA) ng mga grantee. Ibig sabihin, mananatiling iskolar ang mga nasa listahang mag-aaral hanggang sila ay makapagtapos sa kolehiyo.
Abiso naman ng opisina ng 1st Congressional District ng lalawigan na sa mga kabilang sa listahan ay magpunta sa tanggapan sa kanilang inanunsyong iskedyul para makuha at mapirmahan ang mga NOA na siyang ibabalik sa Regional Office hanggang September 13, 2021.
Maaaring bisitahin ang official Facebook ng Infanta LGU o ng mismong 1st Congressional District ng lalawigan para sa nakatalang iskedyul ng mga grantee para sa mga bayan ng Bolinao, Agno, Alaminos City, at Infanta.