Bilang tulong pa rin sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas Region.
Magkakaloob ang Department of Energy (DOE) at mga kinatawan ng Embassy of Japan ng mga electric vehicles.
Ang 4 na e-vehicles ay itu-turn over sa Office of the President at Department of Science Technology-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development para sa kanilang performance testing, research and promotional purposes na sakop ng DOE alternative fuels program.
Partikular na ibibigay ang mga tinaguriang next generation vehicles sa PNP Region 8 at National Government Agency sa rehiyon na may vital role sa emergency response and rehabilitation.
2 sa mga ito ang plug-in hybrid electric vehicle dalawa naman ang electric-powered vehicle.
Ang proyekto ay bilang bahagi ng E-Power Mo! Campaign ng DOE na naglalayong gumamit ng moderno at ligtas na mga sasakyan na naglalabas ng maliit na amount ng carbon footprint.