TULONG | Jeepney operator sa Marikina, makakatanggap ng ayuda sa gasolina

Marikina City – Magandang balita para sa mga tsuper o operator dahil matatanggap niyo na ang pangtawid pasada program ng LTFRB ngayong araw.

Ang PPP ay proyekto ng nasabing departamento para maayudahan ang mga jeepney driver o operator ngayong mataas ang presyo ng gasoline.

P5,000 cash card ang pinamimigay sa mga nakapangalan sa prangkisa kung saan nagawa na ito sa ibat-ibang rehiyon sa bansa kabilang sa Metro Manila.


Ayon sa LTFRB magsisimula ang pamamahagi ng cash card sa Marikina City ngayong araw mula 9 A.M ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Hinikayat naman ang mga nakapangalan sa prangkisa na magpunta sa Marikina City Hall quadrangle.

Facebook Comments