TULONG | LIBRENG GAMOT, IPINAMAHAGI SA MMDA

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority, katuwang ang Department of Health, ang Botika ni Digong kasabay ng flag-raising ceremony kanina ng ahensya.
Itinurn-over ni Department of Health Director Corazon Flores ang mga gamot kay MMDA Chairman Danilo Lim.
Ang mga libreng gamot ay para sa may mga diabetes at hypertension na maaaring mapakinabangan ng mga kawani ng MMDA na lantad araw-araw na init, usok at alikabok.
Ikinatuwa naman ni Chairman Lim ang tulong ng DOH at sinabing malaking ginhawa ang mga libreng gamot lalo na’t mahal ang mga bilihin ngayon.
Pagkatapos ng flag raising ceremony, isa isang pumila ang mga kawani ng mmda sa kanilang complex upang kuhanin ang kanilang mga libreng gamot.

Facebook Comments