Manila, Philippines – Nakatanggap na kagabi ng tawag ang Phil. Coast Guard para sa ilang mga pangangailangang suporta para sa lalawigan ng tinaguriang Volcanic Island ang Lalawigan ng Biliran.
Ayon kay PCG Spokesman Capt Armand Balilo,na bukod sa mga Floating Assets, magpapadala sila ng pwersa mula sa PCG Special Operations Force na magmumula sa mga malalapit na lugar na hindi naman ganong naapektuhan ng bagyong Urduja.
Kasama sa ipadadalang pwersa ng Coast Guard sa Biliran Province ang mga K-9 Units o mga aso na sinanay sa larangan ng rescue na maaring gamitin sa mga lugar na may Landslide o paguho ng lupa.
Samantala, para sa mga na stranded mula sa Port of Manila may inilabas ng skedule ang Manila North Port para sa mga na straded ng ilang araw dahil sa sisimulan na ang byahe ng alas diyes ng umaga ang St . Francis Xavier byaheng Bacolod -Ilo ilo gayundin ang St. Leo the Great na byaheng Cebu- Cagayan de Oro 8pm at St Therese of Child na byaheng Bacolod -Iloilo.
Nakatakda sanang maglayag ngayon ang St Augustine of Hippo patungong Coron Palawan ngunit dahil may Storm signal sa lugar ay hindi muna pinayagan ng PCG na makapaglayag.