DUMAMI PA | Kanseladong flights, patuloy na nadadagdagan dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines – Patuloy na nadagdagan ang mga kanseladong flights dahil narin sa nararansang masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa dulot ng bagyong Urduja.

Sa abiso ng Mla Intn’l Airport Authority partikular na nadagdag sa cancelled flights ngayong Dec 18, Lunes ang byahe ng CebGo DG 6041/6042 Manila-Busuanga-Manila at Pal Express 2P 2031/2032 Manila-Busuanga-Manila.

Kanina una nang kinansela ng CebGo ang flight DG 6031/6032 Manila-San Jose-Manila at Air Swift T6 110/111 Manila-El Nido-Manila.


Kasunod nito pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flight na makipag ugnayan sa mga nabanggit na airline companies para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments