Tulong mula sa international community kasunod ng mu dslide sa Colombia – bumuhos

Colombia – Patuloy ang pagbuhos ng tulong ng international community sa mga
biktima ng mudslide sa Southern Colombia.

Sa nasabing trahedya – aabot 254 katao ang namatay habang nasa 100 na
nawawala.

Nagmula ang mudslide matapos ang mahigit na dalawang araw na walang-tigil
na pag-ulan na nagbunsod sa pag-apaw ng tatlong ilog sa lungsod ng Mocoa.


Agad na nagdeklara ng state of emergency si president Juan Manuel Santos
matapos ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay.

Itinuturing ni Santos na epekto ng climate change ang nasabing malawakang
pagbaha dahil sa patuloy na pamumutol ng kahoy.

Nauna ng nanawagan ng pagdarasal si Pope Francis sa mga biktima ng mudslide
sa Colombia.

Facebook Comments