Tulong na ibinibigay sa mga displaced OFW, tuloy pa rin ayon sa POEA; LSI sa Rizal Memorial Sports Complex na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 10

Tiniyak ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang tulong na ibinibigay sa Overseas Filipino Workers (OFWS) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Olalia na tuloy ang pakikipagtulungan nila sa ibang ahensiya ng gobyerno para umagapay sa mga displaced OFW.

Kabilang din sa binibigyang-tulong ang mga OFW na hindi pa nakakauwi sa Pilipinas dahil sa ilang personal na kadahilanan at trabaho.


Samantala, nagpositibo sa COVID-19 ang sampung Locally Stranded Individuals (LSI) na sumailalim sa COVID-19 rapid testing sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Dahil dito, sinabi ni Hatid Tulong Program Lead Convenor and Presidential Management Staff Assistant Sec. Joseph Encabo na isinailalim na sa isolation at confirmatory swab tests ang mga nagpositibo.

Papayagan namang maka-biyahe ang mga magne-negatibo sa sakit.

Facebook Comments