Tulong na maibibigay sa mga lumang infra projects, pinag-aaralan ngayon ng Kamara

Sinisilip ngayon ni House Speaker Gloria Arroyo ang ilang infrastructure projects partikular ang mga naging priority projects noong Pangulo siya ng bansa.

Sinusuri ni Arroyo ang status ng mga proyekto at tutukuyin nito kung ano pa ang tulong na maaaring maibigay dito ng Kongreso.

Nais makatiyak ng Speaker na marami pa siyang improvement at tulong na maibibigay bago pa man magtapos ang kanyang termino ngayong 17th Congress.


Ayon kay Arroyo, napakahalaga ng infrastructure development para sa paglago ng isang komunidad.

Kasabay ng pagtatayo ng mga imprastraktura ay bumubuhos din ang investments at dumarami ang mga employment opportunities sa isang lugar.
Ginawa ni Arroyo ang mga pahayag na ito matapos ang kanyang ginawang pagbisita sa Naga City sa Cebu para sa planong expansion ng Cebu South Road.

Facebook Comments