MANILA – Nangako mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Basilan na babawi siya sa mga ito.Sa kanyang pagharap sa mga benepisaryo ng lamitan Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative sa Basilan, sinabi ni Pangulong Duterte na bilang matagal nang napabayaan ang basilan ay doon mapupunta ang karamihan sa mga tulong na makukuha ng kanyang administrasyon mula sa China.Pero nagpaalala naman si Pangulong Duterte sa mga taga-basilan na dapat magkaroon ng kapayapaan bago marating ang pag-unlad.Sinabi pa ng Pangulo na ramdam niya ang paghihirap ng mga taga-Basilan.Matatandaan kasing bukod sa na-peste ng cocolisap ang probinsya ay naapektuhan din ang kanilang kabuhayan dahil naman sa sigalot sa West Philippine Sea.
Facebook Comments