Tulong na pautang sa mga OFW na maaapektuhan ng sigalot sa Middle East, ipagkakaloob ng DA

Magbibigay ng emergency loan assistance ang Department of Agriculture para sa mga uuwing OFW mula Iran o iba pang panig ng Middle East na apektado ng sigalot doon.

Ayon kay Agriculture Sec William Dar, nagkakahalaga ng 25,000 pesos kada isang OFW ang tulong na idaraan sa Agricultural Credit and Policy Council.

Ito ay para hikayatin na rin ang mga OFW at kanilang pamilya na pumasok sa negosyong may kinalaman sa pagtatanim, pagsasaka o pangingisda.


Wala aniyang interes ang pautang na maaaring umabot ng 300,000 hanggang 15 million pesos sa pamamagitan ng DA-ACPC Micro and Small Agri-Business Loan Program.

Maaari namang makipag-ugnayan ang OFW at kanilang pamilya sa DA-ACPC sa pamamagitan nina Noel Clarence Ducusin  sa numerong 86363392 at Joel Matira sa mga numerong 86363390.

Facebook Comments