7, sugatan sa pagsabog sa planta ng bakal sa San Simon, Pampanga

161

Sugatan ang pitong katao sa nangyaring pagsabog sa isang planta ng bakal sa San Simon, Pampanga dakong alas-11:30 kagabi.


Ayon kay Fire Officer 3 Araid Macapayag, isa sa mga nasugatan ay Chinese national na nagsisilbing consultant ng SKK Steel Corporation.

Kasalukuyan pa ring ginagamot sa Pampanga Premier Medical Center at sa San Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital ang mga biktima.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng pagsabog.

Facebook Comments