Tulong ng ibang ahensya ng pamahalaan, posibleng kailanganin ng advisory group na sasala sa 3rd level officials ng PNP

Maaring kailangain ng binuong advisory group ang tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief PCol. Red Maranan, tagapagsalita ng binuong five-man advisory group na sasala sa courtesy resignations ng 3rd level officials ng PNP.

Ayon kay Maranan, nais kasing malaman ng advisory group ‘yong link ng mga third level officers sa illegal drugs activity kung kaya’t maliban sa documentary review at assessment ay kakailanganin din ang tulong ng iba pang sangay ng pamahalaan.


Sa ngayon, target ng grupo na matapos ang vetting process sa lalong madaling panahon o bago ang 90 day period.

Sa oras na matapos ang screening at evaluation, itu-turn over ang resulta sa National Police Commission (NAPOLCOM) para sa beripikasyon bago tuluyang isumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para naman sa kanyang final approval.

Kabilang sa advisory group sina PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Baguio City Mayor Benjamin Magalong, former Defense Chief Gilbert Teodoro, Undersecretary Isagani Neres mula sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs, at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Quirino Cabarugi Sadang.

Facebook Comments