Terorista, nadakip ng CIDG

Nalambat ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang myembro ng Communist Terrorist Group sa ikinasa nilang manhunt operation sa Davao Occidental, kamakalawa.

Kinilala ito ni CIDG Director PBGen. Romeo Caramat na si Jonathan Palacay Macaraba a.k.a. “BAGWIS” at nahaharap sa paglabag sa RA 10364 (Anti-Trafficking in Person Act of 2003).

Ayon kay Caramat, dinakip ng mga operatiba ng CIDG si alyas Bagwis makaraang maglabas ang Davao Occidental Court ng warrant of arrest laban dito.


Nabatid na si alyas Bagwis ay myembro ng teroristang grupo sa ilalim ng Daguma Guerilla Front at tinaguriang No. 3 provincial most wanted person sa Davao Occidental.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Malita MPS ang suspek at hinihintay na lamang ang return of WOA mula sa court of origin.

Facebook Comments