Adopted o inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyong naglalayong magkaloob ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng donasyong relief goods at tulong-pinansyal sa mga sinalanta ng lindol sa Mindanao.
Base sa resolusyon ay umaabot sa 14-million pesos ang ipagkakaloob na tulong ng pasig city government sa mga lugar na timaaan ng lindol.
Ang nabanggit na halaga ay hahati-hatiin sa pitong local government untis sa Davao Del Sur at North Cotabato.
Tig 2-million pesos ang Munisipalidad ng Magsaysay, Bansalan, Tulunan, M’lang, Ag Kidapawan, habang 3-million pesos naman ang ibibigay sa Munisipalidad ng Makilala at 1-milyong piso para sa bayan ng Matanao.
Bukod pa sa financial aid ang sari-saring hygiene items at personal necessities na ipamamahagi sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Si Mayor Vico Sotto ay bumuo ng team na personal na maghahatid ng tseke at relief goods sa mga apektadong lugar kung saan sasama din si Vice Mayor Iyo Bernardo at ilang miyembro ng Konseho.
Samantala, Magkakaloob din ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan sa mga biktima ng sunog sa Barangay Santolan, Pasig kamakailan.