Isinasapinal pa ang tulong na ipaaabot ng Pilipinas sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Syria.
Ayon kay OCD Asec. Raffy Alejandro, nagsumite na sila ng rekumendasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa tulong na ipagkakaloob ng Pilipinas sa Syria.
Sa ngayon, ani Alejandro, hinihintay pa nila ang approval ng DFA at ng Palasyo ng Malacañang.
Hindi pa kasi matiyak sa ngayon kung cash donation o non-food items ang ayudang ibibigay ng Pilipinas sa Syria.
Una nang sinabi ng DFA na magkaiba ang sitwasyon at pangangailangan ng Türkiye at Syria na kapwa tinamaan ng magnitude 7.8 na lindol.
Samantala, sa pinakahuling datos ng OCD, 38 na mga gusali na ang nahalughog ng ating Philippine contigent sa TürkiyeS kung saan 4 na bangkay ang kanilang narekober.
Mahigit 600 mga biktima naman ng lindol ang nabigyan ng atensyong medikal ng Philippine Emergency Medical Assistance Team.