Iginiit ni Senator Nancy Binay sa gobyerno na magpatulong sa pribadong sektor para mapag-ibayo ang vaccine rollout laban sa COVID-19.
Mungkahi ito ni Binay sa harap ng pasya ng pamahalaan na ibukas na sa general public ang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Tinukoy ni Binay na base sa survey ng Makati Business Club, lumalabas na karamihan sa mga malalaking Filipino companies ay nais lumahok sa vaccination program.
Diin ni Binay, makabubuting hayaang tumulong ang mga nais tumulong dahil sama-sama naman tayo sa problemang dala ng pandemya kaya mabuti na sama-sama tayong tumutugon rito.
Paliwanag ni Binay, kung kikilos din ang pribadong sektor ay mas dadami ang bakuna at mas mapapabilis ang distribusyon nito.
Dagdag pa ni Binay, makakatulong din ito para masolusyunan ang kakulangan ng COVID-19 vaccine na nakakarating sa mga probinsya.