Tulong ng publiko, hiniling ng Malakanyang para masugpo ang karahasan ng teroristang grupo sa bansa

Manila, Philippines – Nanawagan ang Malakanyang sa publiko na manatiling alerto at mapagmatyag upang mapigilan ang karahasan ng teroristang grupo sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kasunod ng pagkakaaresto sa Bohol kay policewoman Maria Cristina Nobleza na umanoy konektado sa Abu Sayyaf.

Ganito rin ang panawagan ni AFP spokesman B/Gen. Restituto Padilla sa publiko kasabay naman ng pagsisimula ng ASEAN Summit ngayong araw.


Samantala, sinabi ni Abella na itinuturing si Nobleza na high risk detainee na dating nakatalaga sa PNP crime lab region 11.

Anya ang pagkakahuli kay Nobleza ay patunay sa matatag na paninidigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lansagin ang teroristang grupo.

Matatandaan, ipinag-utos ni P-Duterte sa pnp at AFP na magsagawa ng malawakang operasyon laban sa teroristang grupo para mawakasan ang karahasan sa bansa.

Facebook Comments