Aabot sa mahigit isang bilyong piso ng mga family food packs at standby funds ang nakahanda na ngayon para sa agarang tulong sa mga maapektuhan ng bagyong Rosita.
Sa breakdown ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC mayroong mahigit 137 milyong halaga ng mga family food packs at mahigit 782 milyong halaga ng food at non-food items ang handa na.
Bukod pa rito ang mahigit 463 milyong piso na standby funds na nasa DSWD central office at field offices at mahigit 411 milyong piso para sa quick response fund.
Nakapag-dispatched na rin ang DSWD ng 15,000 ng mga family food packs sa kanilang field office sa Tuguegarao habang ang kanilang ibang field offices ay naka standby rin para sa posibleng augmentation sa pagdadala ng mga food at non-food items sa mga pamilyang maapektuhan ng bagyong Rosita.
Patuloy naman ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na ngayon ang nararamdaman na ang epekto ng bagyong Rosita.